Provincial Peace and Order Council Executive Meeting ngayong umaga, Marso 11, 2025

DILG Cotabato Province Official
March 14 at 2:45 PM

Patuloy na sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang mga inisyatibo upang tuluyang mawakasan ang insurhensya hindi lamang sa probinsya kundi sa buong bansa.

Sa ginanap na Provincial Peace and Order Council Executive Meeting ngayong umaga, Marso 11, 2025, nabanggit ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na kailangang bilisan ng mga nasa kinauukulan ang pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan ng mga nagbalik loob na mga indibidwal. Tiniyak din niya ang kahandaan ng probinsya na magbigay ng tulong kung ito ay kinakailangan ng militar.
Samantala, muli niya ring hiniling ang partisipasyon ng mga law enforcers upang matagumpay na maitaguyod ang mga malalaking aktibidad na ipapatupad ng kapitolyo kabilang na rito ang State of the Province Address sa Marso 18, 2025 at ang Summer Kids Peace Camp sa darating na bakasyon.


Ang pagpupulong ay dinaluhan ni Department of the Interior and Local Government Provincial Director Inecita Kionisala, 602nd Brigade Commander BGen. Ricky P. Bunayog, 1002nd Brigade Commander BGen. Patricio Reuben Amata at Cotabato Police Provincial Director PCol Gilberto Tuzon.