Sa pagpupulong ng LGU focal persons ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) nitong Pebrero 21, 2025

Sa pagpupulong ng LGU focal persons ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) nitong Pebrero 21, 2025, sa Capitol Annex Building, Kidapawan City, tinalakay ni DILG Provincial ADAC focal person Laila Sulaik ang mga kinakailangang paghahanda para sa nalalapit na ADAC Audit ngayong taon upang matiyak ang pagsunod sa mga mode of verifications (MOV).
Nakatuon ang nasabing audit sa pagsusuri sa level of functionality at effectiveness ng mga lokal na ADAC, pati na rin ang pagkilala sa mga bagong inisyatiba at best practices sa pagpapatupad ng programa.
Matatandaang bago matapos ang taong 2024 ay inilabas ang resulta ng ADAC audit kung saan 450 sa 480 barangay (93.75%) ang idineklarang “drug cleared,” at 30 barangays na lang ang may natitirang kaso ng ilegal na droga. Umaasa ang pamunuan ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na tuluyan nang maideklarang drug cleared ang lahat ng barangay sa lalawigan ngayong taon.
Dumalo naman sa nasabing pulong sina Liga ng mga Barangay Provincial Federation President Phipps Bilbao, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Officer Jerome Valentos.//idcd-pgo j.abellana/photo by PHRMO/.