MARCH 26, 2025 | METEOR GUARDIANS NG USM MALAKI ANG MAITUTULONG











DILG Cotabato Province Official
March 26 at 5:09 PM ·
MARCH 26, 2025 | METEOR GUARDIANS NG USM MALAKI ANG MAITUTULONG
SA HARAP NG lokal na pamahalaan ng Kabacan, PDRRMO, at DILG, inilahad ng University of Southern Mindanao ang bagong programang inaasahan nilang makakapagbigay ng tulong pagdayting sa weather forecasting.
Ang nasabing programa ay Meteor Guardians na naglalayong mas maging komprehensibo at localized ang weather forecasting.
Ayon kay Engr. Willie Jones Saliling ng USM, ang inobasyong ito ay naglalayong matulungan ang bawat lokal na pamahalaan at mga sektor sa pagpaplano sa mga weather forecast.
Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na aniya malaki ang maitutulong ng nasabing programa lalo at mas magiging komprehensibo ang weather forecasting at mas mapaghahandaan ang disaster preparedness at planting of crops.
Tiniyak naman ng DILG na sa oras na ito’y maisakatuparan at malaki ang maitutulong nito sa bawat lokal na pamahalaan.
Bukas naman ang LGU Kabacan sa partnership na ito lalo at makikinabang ang publiko.
#SerbisyongRamdamTapatatTotoo #UnladKabacan
#SerbisyongTotoo #SerbisyoAtMalasakit
#MeteorGuardians #USM #DILG