Development Focal Point System- Execom at Technical Working Group (GADFPS- ExeCom and TWG) nitong ika-10 ng Marso, 2025, 3rd Floor Annex Building, Amas

Sa patuloy na pagsusumikap ng pamunuan ni Gov. Lala Taliño-Mendoza na isulong ang kapakanan ng mga kababaihan, kabataan, at iba pang bulnerableng sektor ng lipunan, masusing pinaghahandaan ng Gender and Development Focal Point System-Executive Committee at Technical Working Group (GADFPS-ExeCom at TWG) ang mga panukalang pondo at programa para sa taong 2026. Layunin nitong tiyakin na ang bawat inisyatiba ay epektibong tumutugon sa pangangailangan ng naturang sektor. Kaugnay nito, nagpulong ang Gender and Development Focal Point.

System- Execom at Technical Working Group (GADFPS- ExeCom and TWG) nitong ika-10 ng Marso, 2025, sa 3rd Floor Annex Building, Amas, Kidapawan City, sa pangangasiwa ng Population, Gender and Development (PopGAD) Division ng Office of the Governor.


Aktibong nagbahagi ng kanilang mga opinyon at mungkahi ang mga dumalo, kabilang ang mga pinuno ng iba’t ibang opisina ng kapitolyo at ahensya ng gobyerno tulad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Philippine National Police (PNP) Women’s Desk. Dumalo rin si Judge Lily Lydia Laquindanum bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines, Prof. Framer Cristy A. Mella mula sa academe sector, at Ptr. Lito Dalisay mula naman sa religious

 

ref: sector.// idcd-pgo-j.abellana/photoby: popgad//